Saturday, August 9, 2008

Ear Plug

Minsan masayang kontsyabahin ang NAPOCOR na ituloytuloy ang shortage sa supply ng kuryente.

Ang ingay sa kapitbahay kanina may nagse-celebrate yata ng birthday. Pangalawa-pangatlong beses ko na narinig na kinanta ung "my guardian angel" ng red jumpsuit apparatus. Sige ok lang... sana. Kaso, hindi na celebration ang tawag dun kung 11:30 pm na ng gabi nambubulabog parin ung banda at ang malakas -slash-minsan-sablay sa tono-slash-maingay-na electric guitar. Hindi ko maintindihan ang pinapanood ko: di ko ma-enjoy ung sounds sa fm radio ng cp kahit naka headset ako (dinig pa din sila. ganun kalala): di ako makapagbasa ng maayos: --- in short sobrang nakaka - distract ang music nila. Nakuha pang mag "growl - ala - linkin park" nung nakainom na kumakanta sa ganung oras. Kahit ung aso namin mukhang na-badtrip. Pambihira. Tsk tsk. Kapag nagtuloy tuloy ang kalokohan nila, magiging sikat ang lugar namin dahil sa noise pollution.

Ok lang sana kung kasing ganda ng boses ni David Cook ung kumakanta. Kahit magpaulit ulit sila ok lang. Baka mag-cheer pa ako. \m/

Bilib din ako sa mga kapitbahay ko kanina. Ang tibay. Talended. Kahit isa walang nag-reklamo sa kanila kahit dis oras na ng gabi nambubulabog pa din ung banda. Pano kaya sila nakatulog? Nagtitimpi lang kaya sa inis? Naglagay siguro ng sleeping pills sa mga tenga nila o kaya basag na ung eardrums kaya wala na sila marinig. Deadma nalang sa ingay.

Ngaun. Payapa na sa labas. Pwede na ako matulog.

Sa birtday ko, promise, hindi ko sila gagayahin. Sakit sa tenga eh. Magpapa- singing bee nalang ako para everybody happy. Sino gusto mag-guest?

Thursday, June 12, 2008

happy independence day... congratulations!

"nangangako akong mamahalin kita ng buong puso at hindi pagtataksilan"

cheesy =)

Yan ung script... ay pangako pala, nung couple kanina sa kasal nila.

Aksidente akong naka-attend ng wedding ng mga taong di ko kilala. Pagkatapos kong magpasa ng requirements sa civil service exam ( last day na daw kasi bukas. friend salamat sa info), naisip kong dumerecho sa simbahan para magnilay. Hindi ko agad nahalata na may kinakasal pala. Sobrang simple kasi ng wedding di tulad nung sa iba. Hindi masyadong pang-sosyal. At dahil nasa may pinto narin lang ako, hindi na ako umurong, pumasok ako at naupo sa pinaka likod. 11yrs na rin akong di nakakanood ng wedding na live. ... nakakaaliw pala.


Bagay na bagay tingnan ung couple. Maganda ung babae, gwapo ung lalaki. At halos lahat ng abay eh artistahin (requirement?). Para akong nasa prom sa dami ng love songs (nagtaka pa ako eh, wedding un). Ayos ung music kaso di ko matuloytuloy ung pagrereflect ko. Napapakanta ako. Siguro naguluhan si God sa prayer ko. Kada linya kasi nasisingit ko ung ibang lyrics ng songs sa kasal. Sorry po.


Nahihiya na rin ako kasi ung ibang bisita yata (o baka usisero din) eh napapatingin sakin. Mukha tuloy akong wedding crasher. Sumigaw kaya ako ng "itigil ang kaaassssaaal!" ?. Baka akalain lang nila na isang bata akong humihingi ng kendi. Balak ko sana tapusin kaya lang mukhang aabutin sila ng 5pm. Nagpipiktyurpiktyur pa kasi sila. Umiwi na rin ako.


:


May importanteng aral akong natutunan kanina. Think before you act.

Bago ako pumunta sa simbahan, dumaan muna ako sa chowking kasi nahihilo na ako sa gutom. 2pm na ako nakapagpasa at hindi pa ako nakakapaglunch. Dali dali akong umorder ng Lomi (69) at large iced tea (33...akalain mo un? sobrang mahal naman). Di ko naalala na nagbayad pala ako ng 350 para sa CS exam. 102 ang halaga ng kinain ko tapos 20+ pesos nalang ang natira sakin. sabi ko sa sarili ko " ok kasya pa to pauwi". Habang kumakain ako naalala ko na 35 nga pala simula bayan hangang sa barrio namin. Hangang bayan lang ako madadala ng 20+ pesos ko. Pero huli na ang lahat. Malapit ko nang maubos ung pagkain ko, hindi ko na pwedeng isauli un para palitan ng mas murang order.


Isa un sa pinagnilaynilayan ko at isinama sa dasal ko kanina. Pinalangin ko na sana may makasabay akong kaibigan, kakilala, kamag anak o kahit sinong mahilig manlibre ng pamasahe. Kaya lang wala.Pumasok rin sa isip ko na maglakad nalang tutal sanay naman akong sumama sa alay lakad (parang hindi naman halata). Kering keri ko siguro un kahit malayo.

Haaayyy...

Sakay ng bus papuntang bayan: P15 ang nabawas sa 20+ kong pera. (pano kaya sya makakauwi? naaawa ka na ba?). Bahala na pagdating ko dun. Inaliw ko nalang ang sarili ko sa libreng sine sa bus kahit hindi ko madinig. Salamat sa nag pauso ng video on board.

....

...

.

Mabuti nalang may jeep sa bayan papunta samin. Mas mura at kasyang kasya ung barya ko. sinuswerte parin ako kahit pano.

Sa susunod, wag magpadala agad sa gutom. Magbaon lagi ng skyflakes/ crackers para tipid.
- sana naisip ko to kanina.huli na ang lahat

:

Bakit ganun ung mga pinoy, kapag nakarating sa ibang bansa kala mo kung sino.

May nakasabay ako sa jeep kanina na sobrang yabang. Nakarating lang ng Singapore at Indonesia kala mo sya ang nagpagawa ng Merlion. Padaplis pa ung yabang nya eh mayabang parin naman ung dating. Tsk tsk. Panay ang "Whoa!".

Ale: aba, kamusta kana? kelan ka pa dumating.?

Balikbayan box: Oh. Eto ayus naman. 2 days ago pa.

(3 minutes kwentohan galore.....)

Ale: edi mayamang-mayaman kana. Magkano sweldo mo? siguro nasa 200k noh?

Balikbayan box: Secret! * big grin*

Sinekreto pa.! Sa dami ng sinabi nya, halos na-compute na namin un. Lahat na yata ng gadgets niya eh pinagmalaki. Ang daming tao sa jeep at lahat kami narinig na lahat ng sinabi nya. Kulang nalang e i-declare nya ang annual income/ statement of assets and liablities. Sige, sya na ang mayaman. Sya na ang fresh from abroad, sya na ang may laptop, sya na ang kayang magsabi ng "kayang kaya ko naman bayaran un". "Nagpapagawa pa nga kami ng bahay eh...tapos tinutulungan ko pa ang mgha kamag-anak ko at pamangkin. kayang kaya ko silang paaralin".

Ah, mabait naman pala itong si balikbayan. Ok na sana kaya lang may karugtong na ganito: "magpasalamat sila sakin. kung wala ako, pano sila". $%^&!!! Pasalamat sya at wala syang kasabay na holdaper. Ung mga pasahero sa jeep, parang gusto syang patirin nung pababa na sya. Kawawang nilalang.



Wednesday, June 11, 2008

Message sent!


Nakakagawa pala tayo ng good deed ng hindi natin alam. Kanina nagtext ang high school friend ko sakin. Unexpected un. Na-touch ako.

"slmat s advise lstime, nkpg decde nq. Aun nkpgpsa nq ng rquiremnts, naicp ko ung ABC co. at DEF co mgt2nda ln aq dun. Tz un bank, mba2 swldo dva? Kya XYZ co. nq "

(sa totoo lang nahirapan akong magbasa ng text msg nya. Hirap akong bumasa ng shortcut na mensahe.Ok sige papatawarin kita ngaun)

Pinroblema kasi nitong si HS friend kung san company sya magwork. Kabikabila kasi ang job offer. Tsk tsk. Pambihira. Napakaswerteng nilalang. Ayun, nagkataon naman na kakakain ko lang ng tinapay na may palamang strawberry jam... woosssh! gumana ng maayos ang utak ko (na minsan lang mangyari).

Nakakatuwa naman naappreciate nya pala ung aksidenteng advise ko at aksidente din akong nakatulong. Nakakawala ng stress ung mga surprise messages na katulad nito.

hmmm... pwede ko sigurong gawing sideline ang mag-payo. Kapag friend ok lang kung hulugan ung bayad o kahit paminsan minsan pwede narin libre. "Merong 10% discount para sa 1st 10 callers. So what are you waiting for? tawag na!"

Back to reality: Joke lang un. Hindi naman ako ganun kagahaman sa pera. Im always willing to help. (basta kaya. syempre hindi dapat immoral ung gagawin kong tulong). Masarap tumulong na wala hinihintay na kapalit. Amen! haha. pang contest na sagot.

:

"From Globe: U hav bn rewarded w/ P10 FREE LOAD for accumulating at least P100 reloads from 5/16 to 5/22. Thank you for patronizing our reload Program."


Reward ko siguro ito para sa atleast 3 hours na hindi pagrereklamo sa mga gawaing bahay. I love rewards...i love globeReward....ilabsyounaGlobe, pero sana P20-30 na ung reward next time. Ok. sabi ko hindi na ako magre-reklamo

:

stub # 2000++, ung green eyed monster sa counter 12 (ma'am, di ko parin po gets kung bakit ang sungit nyo lagi), ung kubo, ung mango crep sa la casita, deadlines, friends, everything! isa-isa ko na kayong nami-miss *sigh*

:

may message din si college friend sa friendster

" ano musta na??? hay jobless p rn tau...huhuhu...sana makakita n tau ng maaus n work ...hehe. ano nmn pinagkkaablahan mo ngaun? "

parang sobrang excited ulit ako magtype at mag reply sa mga message. Isang page yata sa word ung reply ko sa kanya. Arial, 10, single space. Hi friend! sana nga magkawork na tayo. Sana rin hindi ka makatulog pag binasa mo yang maikling mensahe ko sayo. Nagmamahal... emgie.

haaay. Isa isa na nagkakatrabaho ang mga kaibigan/classmates ko. Pinipigilan ko parin mainggit. Pero masaya naman ako para sa kanila. Friend1, friend2, friend 3, ... friendn (kayo nga) kung mababasa nyo to, libre! libre! Ok na sakin kahit Dencios lang =). Gumagalang,.....emgie.

:

Ayuuuunn! Nadinig ni God ung isa sa mga wish ko. woooooottt! Thank you ; ) Ang tagal ko pong hinintay to. Umulan ulit sa wakas. Na-miss ko ang aking blue (di ko sigurado kung blue nga sya. kupas na kasi) jacket. yey!

:

Dahil tambay ako sa bahay, parang gusto kong magbusiness. Alam mo yun, gusto kong tumulong kay ermat. Nakakahiya narin at tska para maging productive din ako. Ano kayang magandang business? haaay. ang hirap mag isip lalo kung wala kang capital. Computer shop? (masyadong common. General Merchandise / Lumber? (pang bigtime). supplier kaya ng lyrics sa singing bee?

:

Goodluck.

:

Unang post (Congrats emgie! Nabawasan ng 15% ang kamangmangan mo tungkol dito). Achievement! Nangangapa pa ako ng todo. Simpleng pagko-customize lang inabot ako ng 2 oras. tsk tsk. kawawang bata. Na-e-engot ako. Nakakahiya naman parang daig pa yata ako ng grade 4.